CashCowRobot Review 2019: Legit or Scam with Secret Recipe?

Ad Blocker Detected

We notice you have an ad blocker on. We understand you hate ads but advertisements help us provide quality content.

Legit or scam ba ang CashCowRobot? Basahin at alamin sa artikulong ito.

May bagong online MLM na nangunguna daw sa Pilipinas ayon sa isang website. Nakapagtataka. Ang online business na ito ay kasisimula lamang noong December 2018.

CashCowRobot as Number 1 MLM in the Philippines

 

Marahil nakita mo ang promosyon nito sa social media. Ang negosyong tinutukoy ko ay CashCowRobot.

Sasabihin ba naman sa’yo na kikita ka ng Php8,000 araw-araw for one account or Php56,000 sa pitong account. Sa halagang Php2,000 lang, ‘yan ang kikitain mo.

Mukhang maganda ang negosyong ito, ano sa tingin mo?

Sabi pa nga ng may-ari mas maganda daw ang business niya kumpara sa ibang online MLM sa Pilipinas. Tingnan mo ang comparison niya.

CashCowRobot compared to other online scam businesses

Sandali lang. Bakit niya inihahambing sa business na mga ‘yan, e alam na nating scam ang Paybook, Paycheck, Pays-up at PlanProMatrix?

Scam di ba ang CashCowRobot? Totoo bang kikita ka nito? Ano ang produkto nila?

Halika’t alamin ang mga sagot sa mga tanong mo.

Ano ang CashCowRobot

Itinatag noong December 1, 2018, ayon sa founder nito, ito ay isang lucrative affiliate marketing program na pwede kang kumita ng Php8,000 kada araw.

Hangarin ng kumpanya na maging pinakamalaki at stable na online networking company na nagbebenta ng digital products.

Sabi naman ni Khen Salce, ang founder nito, ang CashCowRobot ang nangungunang bagong MLM sa Pilipinas.

Ano ba ang basehan para sabihin niyang numero uno ito?

Wala.

Trip lang niya. Kasi siya naman ang may-ari ng website na www.affordablecebu.com. Kahit gawin pa niyang number zero ang CashCashRobot doon, pwede.

Khen Salce

Saan ba ang office address ng kumpanya?

Puntahan mo sila sa Taboc Sur, Oroquieta City, Misamis Occidental, Philippines, 7207.

Produkto ng CashCowRobot

Makikita sa official website na pino-promote nito ay ebooks, softwares at scripts, videos at audios, articles at graphics at PowerPoint at job resume templates.

Hmm. Ang dami pa lang products. Mukhang legit ang online business na’to no?

Huwag kang magpa-uto agad.

Alam mo bang marami yan sa internet? Search ka lang ng Private Label Rights (PLR) na ebooks, softwares, videos at iba pa sa Google.

Mabibili yan sa murang halaga. Karamihan nga niyan libre pa. Ang mga PLR na ebooks, softwares, videos at ipa pa pwede mong kopyahin at angkinin at ibenta.

Paano ang mga reviewers? Nagkalat ‘yan sa internet libre lang. Huwag kang magpaloko sa online business ni Khen Salce.

Kaya basura talaga ang mga digital products na sinasabi ng CashCowRobot.

Sa totoo lang, ginagawa lang ito para kunwari lehitimo ang negosyo sa mata ng mga awtoridad. Sa aming pagsasaliksik, wala pa kaming nakitang nag promote ng digital products ng kumpanya.

Eh, kasi nga sino ba naman ang bibili ng basurang digital products nila?

Alam mo ba kung ano binebenta ng mga miyembro dito? Siyempre ang kitaan sa kumpanya.

Marami kasi ang kakagat sa pangakong ang Php2,000 mo ay tutubo ng napakalaki.

Paano Kumita ng Pera

Ito ang binebenta ng CashCowRobot at hindi ang mga walang kwentang digital products nito. Kaya nga nagbabasa ka kasi gusto mong malaman kung totoo ang kitaan sa kumpanya.

Tulad ng mga ibang online businesses na aming sinuri, ang compensation plan nito ay pare-pareho lang.

Make money with CashCowRobot

Ways to Earn and Rewards

  1. Php3,000 – Sign-up Bonus!
  2. Php1,000 – Direct Referral Commission (unlimited)
  3. Php100 – Pairing Bonus (infinite level
  4. Php1000 – Fast Start Bonus if you invite 7 people in the first 15 days.
  5. Earn money in watching advertisement videos, browsing advertisement websites, completing affiliate companies’ surveys.
  6. Earn reselling ebooks to our DIGITAL ONLINE STORE, in Lazada, Shopee, Amazon, eBay, and other e-commerce websites.
  7. Earn thru posting and replying in our Forum (earn points that can be used to purchase ePin, eLoad, eGame pins, vouchers, other virtual products or even physical products).
  8. Car, House and Lot, and Travel Incentives.

Ang kumpanyang ito ay nakadepende lang sa recruitment. Ang ibang ways of earning ay walang halaga.

Kahit sabihin man nilang kikita ka kahit hindi mag-recruit, huwag kang maniwala. Lumang tugtugin na ‘yan.

Scam or Legit ba ang CashCowRobot?

Scam ang CashCowRobot dahil isa itong pyramid scheme. May produkto man ito subalit wala itong value at demand. In short, basura at walang kwenta ang products nila.

Ang gagawin mo para kumita ay mag recruit ng mag recruit. Siyempre, hindi ka makakasali sa recruitment scheme nila pag hindi ka nagbayad ng Php2,000.

Ang Php2,000 ay hahatiin ng mga uplines mo at sa founder mismo. Pag hindi ka nagbayad may kita ba sila?

Wala.

Kung sasali ka sa ganitong klaseng online business, pinapayaman mo lang ang nasa taas mo.

Secret of CashCowRobot Scam

Tatagal ba ang CashCowRobot kasi may secret recipe daw sila?

Hindi.

Matagal na ang isang taon wala na ang pyramid scheme na’to.

Malalaman din ng SEC at DTI ang kalokohang ginagawa ng pyramid scheme na ito. Ang may-ari at mga taong nag promote nito ay pwedeng makulong.

Kaya mag isip ka muna bago ka sumali dito.

Sa huli, ang nasa ibaba ng pyramid scheme na ito ay patuloy na nalulugi habang ang nasa itaas ay patuloy na nagpapakasarap sa perang kinuha sa bagong sumasaling miyembro.

CashCowRobot is a Pyramid Scheme, A Scam
1
1 of 5 stars 1 review

Summary

Ito ay isang pyramid scheme kaya scam. May digital products na walang halaga kasi available lang sa internet ng libre o mas mura pa. Iwasan at isumbong sa awtoridad.

Comments Rating 0 (0 reviews)

Isumbong sa Awtoridad ang Pyramid Scheme

Mas mabuting isumbong sa DTI at SEC ang CashCowRobot. Ang ganitong kumpanya ay makasasama sa maraming tao.

May digital products ito ngunit wala naming halaga. Dahil ang mga produkto nito ay available sa internet ng libre o di kaya mas mura pa.

Walang pinagkakaiba ang negosyong nabanggit sa Unlishop, Unity Network, Fast Track Worlwide, Salveo World, at iba pang online scams.

Ang kitaan sa CashCowRobot ay sa recruitment lang. Maraming recruit mas maraming pera.

Subalit hindi sa lahat ng oras may makukuhang kang bagong miyembro. Dadating ang panahon na wala ng sasali kaya babagsak ito.

Huwag munang payamin pa ang founder ng negosyo. Magsisissi ka lang sa huli.

Kung ikaw ay sasali, matitiis mo ba na ang perang kinita mo ay galing mismo sa bulsa ng iba? Na walang natanggap kundi ang pangakong kikita din sila?

Konsenya mo na yan. Kung kaya mo magpakasarap habang ay iba ay naghihirap, na sa’yo yan.

Gusto mo bang makatulong sa kapwa mo?

Paki share ng blog post na ito.

error: Warning! You are not allowed to copy our articles.