KAPA Community Ministry International Review: A Church or a Scam?

Ad Blocker Detected

We notice you have an ad blocker on. We understand you hate ads but advertisements help us provide quality content.

Scam ba KAPA Community Ministry International? Magbasa at alamin ang totoo.

KAPA Review

Biruin mo ang 10,000 donation tutubo ng 3,000 kada buwan? Ang tindi no?

Iyan kasi ang makukuha mo kapag sumali at nagdonate sa KAPA Community Ministry International (a.ka. KAPA).

Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa ganyang pangako?

Marami ang nagbenta ng ari-arian at ginamit ang natitirang savings para makasali sa religious (daw) na organisasyong ito.

Grabe ang expansion nila ngayon sa Mindanao. Pati sa Visayas and Luzon mukhang dumating na sila.

Gusto mo rin bang magdonate dito at kumita 30%  buwan-buwan?

Sandali lang kaibigan. Baka pagsisihan mo ang desisyon mo.

Saan ba galing ang pera nila bakit ganon kalaki binabalik sa donasyon mo? Bakit sila nagbibigay ng interest sa donation mo?

Hind ba scam ang KAPA?

Alamin natin ang kasagutan sa mga tanong sa itaas sa pamamagitan ng blog post na ito.

At malalaman din natin kung bakit isa itong kumpanya na kumukuha ng pera sa publiko, na walang secondary license ayon sa SEC.

Ano ang KAPA

KAPA means “Kabus Padatoon”. Or “Ang Mahirap Payamanin”. In English it means “Enrich the Poor”.

Rehistrado ito sa Securities and Exchange Commission (SEC) of the Philippines bilang isang Independent Religious Corporation.

Sinasabi ng mga miyembro at founder nito na isa itong simbahan or church ministry. Subalit wala itong kredo at anyo ng pagsamba.

Wala din itong pormal na kodigo sa doctrina at disiplina. Kung simbahan nga ito, bakit wala itong specific na lugar sa worship?

At bakit wala itong regular worship services?   Ito ba ang tinatawag na simbahan? Mukhang may mali.

Sino ang namumuno sa church ministry na ito?

Pastor Joel Apolinario KAPA Founder

Si Pastor Joel Apolinario and founder ng KAPA. Siya din ang kasalukuyang namumuno nito.

Si Joel Apolinario ay mayroon ng 12 warrants of arrest. Siya ay nakalabas dahil nakapiyansa.

Paano Sumali at Kumita

Magbayad ka lang ng Php100 na registration fee. Pagkatapos, miyembro kana at pwede ng madonate kahit magkano.

Tutubo ng 30% ang donation mo at puwede na itong makuha pagkatapos ng isang buwan at isang araw. Kung hindi mo kukunin ang tubo na 30% sa isang taon, magiging compound ang pagtubo ng pera mo.

KAPA Paano Sumali at Kumita

Wala kanang ibang gagawin kung hind mag hintay lang at pumunta sa opisina ng KAPA.

Sa totoo lang, hindi tubo ang tawag sa 30% na income mo. Alam mo ba kung ano?

Love gift, token or blessings tawag nila niyan. Siyempre, sino ba naman ang gusto mahuli ng awtoridad?

Kaduda-dudang Pahayag

Ayon sa Founder at mga miyembero ng KAPA, marami silang negosyo kaya kakayanin nilang magbayad ng 30% buwan-buwan.

Ano-ano ang mga negosyong ito?

  1. ACES College of Tagum
  2. Banana Plantation (1,200 Hectares)
  3. Bakeries
  4. Convention Center (formerly Golden Gate)
  5. Davao de Oro Bank
  6. Eatery – (Restaurants)
  7. Fishing (more than 26 fishing boats)
  8. Gasoline Stations
  9. Hospital (Tagum Doctor Hospital)
  10. Internet/Computer Printer Services
  11. Jack Radio FM Stations
  12. KAPA Sound/System Products and Services
  13. Lobster/Prawn Farm
  14. Mining (80 Dumptrucks- net income Php80 Billion/year)
  15. Poultry Farms
  16. Rice Fields/Mango Plantation
  17. Stores (Convenient Stores)
  18. Textile and Garments Center (Taytay Rizal)
  19. Village Housing/KAPA Homes (soon)
  20. Wood Circle Industry (Plywood Production)
  21. UBP Uprise Wood Ventures Veneering Plant
  22. Kapa Coffee Nutritional Blend
  23. Gadgets (soon)
  24. Appliances (soon)
  25. Pera Padala (soon)
  26. TV Stations
  27. 25 Hectares Bangusan
  28. Jorey Community Club
  29. Transportations (soon)

Wow grabe.

Ang dami palang negosyo ng simbahang ito! Oops sandali lang. Huwag kang munang mag pa uto.

Ano ba ang ebidensya na totoong sa KAPA nga ang mga iyan? Hindi porket napanood mo sa video at nabasa sa Facebook page nila ay totoo na.

Nakita mo ba ang mga papeles at dokumento na nagpapatunay na sa KAPA nga ang negosyong nasa itaas?

Baka magulat ka kasi ang may-ari niyan ay mga founders at incorporators ng kumpanya. Hindi naka pangalan sa KAPA iyan.

Sige sabihin na nating sa kanila ang mga iyan.

E di ba church ministry sila? Bakit ganyan karami ang mga negosyong pinasukan nila? Mukhang may mali na naman sa pahayag ng simbahang ito.

Kung totoong ganyan karami ang negosyo nito, saan galing ang mga pera ginamit diyan para sa operasyon?

Simple lang ang sagot. Eh di sa perang na donate mo.

Cesar Montano gaganap bilang KAPA Founder sa movie?

Bago namin makalimutan. Ang storya ng founder nila mukhang may parating na movie na. At ang balita ay gaganap na Apolinario si Cesar Montano.

Mukhang hindi yata alam ni Cesar na scammer itong kliyente niya.

Cesar Montano as KAPA Founder in Movie

Saan ka ba nakakakita na pera ng simbahan ginagamit sa entertainment? Sa church ministry ni Joel Apolinario lang ‘yan.

Scam Ba Ang KAPA Ministry International

Walang duda. Scam ang KAPA.

Sino ba ang nagsabi nito?

Mismo ang SEC na ang nagsabi na isa itong Ponzi Scheme.  Ayon sa Cease and Desist Order (CDO) ng SEC, ang kumpanyang ito ay nangongolekta ng pera sa investors sa pangakong magkakaroon sila ng malaking tubo na walang panganib.

Ang tubo dito ay galing din sa investment ng bagong miyembro. Kaya kung wala ng bagong miyembro wala na ring makukuhang kita at tuluyan ng mawawala ang kumpanya.

Operasyon ng KAPA Ministry International Pinatigil ng SEC

Noong February 14, 2019, naglabas ng Cease and Desist Order (CDO) ang SEC laban sa KAPA. Layunin ng CDO na ipatigil ang illegal na operasyon KAPA.

KAPA Community Ministry International SEC CDO

Bakit pinapatigil sa operasyon ang kumpanyang ito?

Napag-alaman kasi ng SEC na wala itong lisensyang mangolekta ng investment sa publiko.

Oopps, sandali lang. Eh di ba, hindi naman ito investment company? At donasyon lang naman ang ibinibigay ng mga miyembro?

Mali.

Hindi nakabase sa anyo ang pag intindi ng batas. Donasyon man ang nasa papel, investment pa rin ang katunayan nito.

Bakit?

Una, nag invest ka ng pera sa kumpanyang KAPA. Pangalawa, umasa kang kikita ito ng 30% buwan-buwan.

Pangatlo, walang ka ng gagawin. Sila na ang bahala sa’yo. Pupunta ka na lang sa opisina para kunin ang profit mo.

Base sa mga ebidensyang nakalap ng SEC, kailangan nitong ipatigil ang operasyon ng KAPA para maprotektahan ang publiko.

Totoong may kumikita dito.

Pero totoo ding mas maraming nalugi nito tulad ng mga tao sa Bislig City, Surigao del Sur.

Iwasan Mo ang KAPA

Alam namin gaano kahirap kumita ng pera ngayon. Subalit ang KAPA ang walang maidudulot na kabutihan sa mga tao.

Totoong kikita ka ng 30%. Subalit, hindi kaba makokonsensya na ang kita mo ay galing din sa bagong sumaling miyembro?

Hindi kaba makokonsensya na may mga taong mahihirap na nangutang, nagbenta ng lupa or mga hayop para mabigyan ka lang ng 30 porsyento?

Mga taong pumipila sa KAPA

Paano kung wala ng bagong miyembro? Lalong silang lulubog sa kahirapan.

Ang labanan diyan ay paunahan lang. Kapag wala ng bagong miyembro. Babagsak ang kumpanyang ‘yan.

Walang matibay na ebidensya na may mga negosyo ang church ministry. Kaya huwag kang maniwala agad.

Maniwala ka sa SEC kasin pinoprotektahan nito ang publiko.

Gusto mo bang makatulong sa ibang tao? Paki-share ng artikulong ito sa Facebook or YouTube mo.

Mag-ingat ka rin sa mga scams tulad ng Paysbook, Unity Wealth, AIM Global, Fast Track Worldwide, PlanPromatrix, Unity Network, Ideal Prime Ventures, Salveo World, Pays-up Marketing, One Pro International at iba pa.

error: Warning! You are not allowed to copy our articles.