Paymax Review 2019: Changing Lives or Scamming People to the Max?

Ad Blocker Detected

We notice you have an ad blocker on. We understand you hate ads but advertisements help us provide quality content.

Legit or scam ba ang Paymax?

Malamang nabasa mo na ang ganitong advertisement sa Facebook;

“Gusto mo bang kumita ng extra money online?

Sa Paymax, gamit ang Facebook mo kikita ka ng up to Php8,000 per day.

Kung ikaw ay willing matuto kahit na busy ka sa trabaho. Kahit nasa bahay ka lang, kayang kayang kumita gamit lang ang iyong FACEBOOK ACCOUNT!

Wala tayong boss dito. Hawak mo ang oras mo!”

Ang laki pala ng kita sa online business na ito. Pero hindi kaba nagtataka paano ka kikita ng ganyan kalaki araw-araw?

Ano ba ang product ng Paymax Business na ito? Legit or scam ba ang company?

Sasagutin natin ang mga tanong mo sa blog post na ito.

Company Profile

Sa opisyal na website ng Paymax (paymaxbusiness.com), wala kang makikitang mahalagang impormasyon dito.

Saan ba ang address ng company? Ano ang mga contact numbers nito? Sino ang nagmamay-ari ng Paymax?

Unfortunately, wala kang makikita sa website nila kung hindi ang software na ginagamait sa MLM ng Paymax.

Website ng kumpanya na walang laman

Gusto mo bang sumali sa negosyong nakatago ang mga mahalang impormasyon? Magtaka ka na sa negosyong papasukin mo.

Salamat sa Facebook. Napag-alaman namin na si Byron Dinopol ang Founder at kasalukuyang Presidente ng kumpanya.

Paymax Review CEO Byron Dinopol

Ayon sa isang video ng isang promoter sa YouTube, ang Paymax ay combination ng bagong innovative online business na uso ngayon.

Mero daw itong tutorial courses at services, e-commerce system, e-loading at ticketing business at affiliate program.

Ang tanong. Totoo ba ang services na iyan?

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa para sa kasagutan.

Products and Services

Walang products or services ang Paymax. Hindi totoo ang e-commerce system nila. Ang tutorial courses and services nito walang kwenta.

Mag search ka na lang sa Google at YouTube. Mas maganda pa. Wala din itong ticketing at e-loading business.

Iba na talaga mga online MLM scam ngayon. Libre lang ang mag e-loading business sa Load Central at ibang app. Ba’t ka naman magbabayad sa Paymax?

Ang gagawin ng kumpanya ay kukunin nila ang Php1,000 mo para sa activation pin or code. Pagkatapos pwede ka nag sumali sa compensation plan nila.

Balita namin ang kumpanya ay malapit ng maglabas ng tangible products. Siyempre, sino ba naman ang gustong mahuli ng awtoridad kaya dapat lang maglabas ito.

Magiging legitimate ba ang Paymax kapag may product?

Hindi.

Kailangan patunayan na may demand ang product nila. Ang tao kahit hindi miyembro ay bibili ba nito?

Pag ang kitaan dito ay hindi sa pagbebenta ng produkto, aba talagang scam yan.  

Walang produkto o serbisyo ang Paymax. Ano ba ang binebenta nito?

Para maka enganyo ng ibang tao, binebenta ng company ang compensation plan nito. Sasabihin sa’yo na kikita ka ng ganito o ganyan pag sumali sa negosyo.

How to Earn in Paymax

Eto talaga ang binebenta ng Paymax. Para mahikayat kang sumali, papakitaan ka ng mga paraan para kumita ng malaki sa online business nila.

  1. Kumita ng Php300 pag sign-up at pag nag activate ng account mo (after magbayad ng Php1,000).
  2. Earn Php300/day habang nanonood ng digital courses up to Php900 in 3 days only.
  3. Pag nag share ka ng affiliate links mo at may nag register, kikita ka ng Php50 up to Php900 in 6 days.
  4. Mag invite ka at kikita ka sa direct referral mo ng Php100.
  5. Earn matching bonus of Php200 per pair.
  6. Kumita ng Php20 as both side binary bonus from your direct downline.
  7. Team leader rewards.

Hindi na pangkaraniwan ang ganitong klaseng paraan para kumita ng pera online. Kung babasahin mo ang review namin tulad ng Unlishop, Unity Wealth, Pays-up Marketing, Paysbook at Paycheck, halatang kinopya lang ito.

Kung sa tingin mo makukuha mo agad ang perang kinita sa pag sign-up, panood ng digital course at sharing of links, nagkakamali ka.

Kailangan ka pang umabot sa minimum pay-out niyan na makakamit mo lang pag nag recruit ka. Ibig sabihin, ang kitaan dito ay sa recruitment lang.

Legit or Scam ba ang Paymax

Scam ang Paymax kaya iwasan mo ito. Isa itong pyramid scheme.

Wala itong produktong binebenta. Biruin mo nangogolekta ng pera na walang products? Saan ka ba nakakita ng ganon?

Sa online MLM scams marami ‘yan.

Malapit na silang mag launch ng product. Pero tulad ng iba na walang kwenta at delikado pa, wala itong demand.

Sa totoo lang, pantakip ang mga producktong ito sa illegal na operasyon ng kumpanya.

Ang kitaan dito ay nakadepende sa recruitment. Magbabayad ka ng Php1,000 para puwede ka ng mag invite.

At sa bawat invite mo may kita ka doon. Darating ang araw na wala ka ng ma recruit kaya babagsak ang kumpanya.

Alam mo bang pwede kang makasuhan at makulong pag nag promote sa Paymax? Kaya mag-ingat ka kaibigan.

Alam na ng DTI at SEC ang operasyon nito kaya hindi magandang pasukin ang walang kwentang negosyong ito.

Paymax is a Pyramid Scheme, a Scam
1
1 of 5 stars 1 review

Summary

Iwasan at isumbong sa awtoridad ang kumpanyang ito. Wala itong products at nakadepende sa recruitment ng miyembro.

Comments Rating 0 (0 reviews)

Iwasan at Isumbong ang Paymax Business Scam

Iwasan mo at isumbong sa awtoridad ang kumpanyang ito. Ang Paymax ay isang pyramid scheme. Ang negosyo ay nakadepende sa recruitment lang.

Hindi magtatagal ang ganitong klaseng gawain. Puwede ka pang madamay kapag may nag file ng complaint sa’yo.

Hindi ka ba makokosenya na, kaya ka kikita dahil sa pera ng iba? Isang malaking klaseng panlilinlang ang ganitong negosyo

Kahit sabihin man ng founder at mga miyembro na rehistrado sila sa DTI, BIR at SEC, hindi ito basehan parang sabihing legit ang operasyon nila.

Kung gusto mong makatulong sa ibang tao, paki share ng artikulong ito sa Facebook, YouTube or Twitter.

Narito ang ilan pang scams online; Fast Track Worldwide, KAPA, AIM Global at Unity Network.

error: Warning! You are not allowed to copy our articles.